Pinoy ako dahil malupit ang imahinasyon ko..

Tulad nalang ng mga gusaling ito, Pinoy lang ang madalas nakakaisip ng mga ganitong klase ng disenyo.





Pinoy ako dahil mahilig ako sa Sinigang

Likas na sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa mga ulam na sinabawan. Napapasarap lagi ang kain basta may sabaw, sinong hindi aamin na nakaka-tatlong order ng kanin sa mga toro-toro na ang ulam lang ay isang hiwa ng karne at tatlong balde ng sabaw.


Pinoy ako dahil sinasawsaw ko ang Tinapay sa Kape

Mula sa lolo't lola, hanggang mga tiyo at tiya, at umabot na sa mga apo, nakaugalian na ng pamilyang Pilipino na laging isabay ang tinapay sa kape tuwing almusal man o meryenda sa hapon.



At kung nagtataka kayo kung anong tinapay yan, e pandesal lang yan. Oo. pandesal, hindi nga lang sa tradisyonal nitong hugis, dahil pauso nanaman yan ng isa pa nating kababayan.

Pinoy ako dahil halos araw-araw akong sumasakay sa Jipney

At hindi lang basta jeep, kakaiba kasi ang tunay na jeep nang pinoy kaya ito tinawag na jipney, kadalasan ito ay may mga palatandaan na tulad ng mga sumusunod:

  • Laging may design sa gilid. Pwedeng 'zodiac signs', mga tanawin sa Pinas, o kaya mga relihiyosong mga imahe o kaya paboritong anime.
  • Laging may nakasabit na rosaryo o sampaguita sa 'rearview mirror' at may maliit na relihiyosong karakter sa 'dashboard'. kadalasan pa e 'glow in the dark'
  • Nakasulat sa kesame ng jipney ang mga pangalan ng kaanak, at ang katagang 'God Bless our trip'.
  • Punong puno ng sticker na ang nakalagay e "Barya lang po, sa umaga" o kaya naman e "Basta driver, sweet lover" at ang matindi ay ang "No Smoking" na mismo ang nagmamaneho pa ang hindi sumusunod.
  • Noon, may mga malalaking bakal pa na kabayo sa 'hood' ng mga jipney, padamihan pa nga sila e, pero ngayon bibihira nalang, hindi na siguro uso ang Ferrari-inspired jipney.
(mula sa http://netwizardllc.net ang larawan)

Pinoy ako dahil mahilig ako sa Lucky Me Pancit Canton!

Ayun o, kakagutom...  almusal man, meryenda o hapunan, pancit canton lagi kong binabanatan! isang Xtra xtra hot at saka isang plastic ng pandelemon, solb!

(mula dito ang larawan)

(mula sa http://pinoyexchange.com ang larawan)

Pinoy ako dahil boboto ako sa Mayo

Wag nating sayangin ang karapatan nating bumoto, lalo na't maraming pagpipilian ngayong presidente na bawat isa ay talagang may ipagmamalaki. Sa may pera ka ba o sa ma-appeal, sa may puso ka ba o sa may utak, o baka naman ang trip mo ay maka-Diyos...


Kung matagal ka ng nakatago lang sa kweba, nais ko lang ipaalam na "automated" na DAW ang eleksyon natin, kaya panuorin niyo nalang kung paano bumoto sa ibaba ng hindi ka maging inosente sa pagdating ng Mayo.

Pinoy ako dahil ginagawa kong sabaw ang gravy ng KFC

Kasalanan naman nila at ginawa nilang libre, tuloy kailangan pa nila maglagay ng kung ano-anong paki-usap.

(mula sa www.sodahead.com ang larawan)


(mula sa http://taratitsky.tumblr.com ang larawan)

Pinoy ako dahil mahilig ako sa Pagiging ma Keso

Kitam, titulo palang, panalo na. Paano pa kaya kung bumanat na ako ng mga ganitong linya.


at ito mas malupit, may halong kakapalan pa ng mukha


"Naniniwala ka ba sa Love at first sight? O gusto mo dumaan ako ulit sa harapan mo?"


kung gusto niyo pang makabasa ng iba pang matitinding "pick-up line", bisitahin niyo nalang ang blog na Pinoy Pick up Lines


At dahil nga sa kahiligan nating mga Pinoy sa mga ganitong klaseng mga banat, nakapag pauso pa tayo ng kanta.


Pinoy ako dahil tuwang tuwa ako sa komersyal ng Cornetto

Tugs... Tugs... Tugs... Tugs.... Tugs......Sige sayaw......Tugs... Tugs... Tugs.....  giling mo, yan! sige sayaw pa....


Hanep talaga imahinasyon ng Pilipino, panalo!

Pinoy ako dahil idol ko sila Tito, Vic, and Joey

Sa larangan ng komedya sa Pilipinas, wala nang tatalo pa sa pagpapatawa nina TV&J. Walang masyadong korni na aksyon.  Purong simple at intelehente, ngunit malulupit na banat lang ang pinapakawalan. Yung tipong mapapa isip ka muna bago ka matatawa.

(mula dito ang larawan)

Ang talambuhay ni Joey De Leon

Ang talambuhay ni Vic Sotto

Ang talambuhay ni Tito Sotto

(mula sa http://en.wikipedia.org ang mga artikulo)

Pinoy ako dahil may litrato kami ng Last Supper sa Hapag Kainan

Tulad din ng malalaking kutsara at tinidor, hindi rin makukumpleto ang hapag kainan ng karamihan sa mga pamilyang Pilipino kung wala ang litrato ng huling hapunan ni Jesus na nakasabit rin sa dingding.


(mula sa www.morethings.com ang larawan)

Pinoy ako dahil meron kaming Malalaking Tinidor at Kutsara sa Bahay

Hindi nga naman makukumpleto ang kusina ng karamihan sa mga pamilyang Pilipino, kung wala ito na nakasabit sa dingding ng kani-kanilang tahanan.

(mula sa http://www.etsy.com ang larawan)

Pinoy ako dahil lumalamon ako ng Balot!

Kasama ang asin, suka at beer, wala ka ng hahanapin pang iba. Bakit kaya ang mga dayuhan e naisipan pang ilagay sa Fear Factor challenge ang pagkain ng balot? buti nalang walang kasamang Pinoy sa episode na yun, kundi ang akala niya lang e meryenda lang na inihain yung challenge.

(mula sa http://manigerz34.wordpress.com ang larawan)

Pinoy ako dahil ang Paborito kong manunulat ay si Bob Ong

Nagsimula sa "ABNKKBSNPLAKo!" ako naging interesado, at sa "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino" ako naging adik sa bobong pinoy.

(mula sa http://www.visprint.net ang larawan)

Pinoy ako dahil trip na trip ko si Darna

Maging si Angel man o si Marian, o kaya si Nanette pa yan o si Anjanette, kahit pati kartoons isama mo na.

(mula sa http://2.bp.blogspot.com ang larawan)

(mula sa http://tl.wikipedia.org ang larawan)

(mula sa http://2.bp.blogspot.com ang larawan)

(mula sa http://www.comicbookmovie.com ang larawan)

Pinoy ako dahil kakaiba ang aming mga Butiki dito

Ayon sa Reuters, isang  bagong uri ng Monitor Lizard ang nagtapuan sa may Hilagang kagubatan ng Sierra Madre na hindi tulad ng ibang kalahi nito, prutas ang kinakain at sa taas ng puno ito nakatira.

 

(Mula sa http://news.yahoo.com ang larawan)

Nandito ang buong detalye.

Pinoy Ako dahil suot ko ang Bansa ko

Dahil sa pauso ng Collezione-C2, muling nabuhay ang ating pagka-Makabayan.

(Mula sa http://nimrodel.net ang mga larawan)

Pinoy Ako dahil idol ko si Manny Pacquiao

Dahil literal na tumitigil ang Pilipinas tuwing laban ni Pacman, 

(Mula sa http://www.thinkphilippines.com ang larawan)

Pinoy ako dahil uso sa amin ang inuming Virgin

Pangunahing sangkap sa pag gawa ng "Virgin" (Beer-Gin)
         1 Jumbo Red Horse Beer
         1 Ginebra San Miguel Gin (Bilog)
         1 Plastic ng yelo

Ibuhos ang sangkap sa isang pitcher, maglabas ng isang baso at paikutin ang tagay. Dagdagan ang bawat sangkap hanggang sa magka basag basag ang ulo.

Pinoy ako dahil mahilig ako sa Lechon kawali

Pampulutan man o ulam, panalo!

Pinoy Ako dahil ako ay Magiting

Kaya walang pasok tuwing ika-siyam ng Abril dahil may sariling araw ang ating pagiging Magiting, kaya kadalasan sa mga Pilipino ay siga.


(mula sa http://www.filipinomartialartsmuseum.com ang larawan)

Pinoy Ako dahil ako ay Magalang

Dahil tayo lang ang may mga katagang "po" at "opo" na nangangahulugan ng pag respeto sa kinakausap...