Pinoy Ako Dahil Laging Taas Noo!
Sa baha man o sa bagyo, ang tunay na Pilipino ay laging taas noo /wahaha
Pinoy ako dahil malupit ang imahinasyon ko..
Tulad nalang ng mga gusaling ito, Pinoy lang ang madalas nakakaisip ng mga ganitong klase ng disenyo.
Pinoy ako dahil mahilig ako sa Sinigang
Likas na sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa mga ulam na sinabawan. Napapasarap lagi ang kain basta may sabaw, sinong hindi aamin na nakaka-tatlong order ng kanin sa mga toro-toro na ang ulam lang ay isang hiwa ng karne at tatlong balde ng sabaw.
Pinoy ako dahil sinasawsaw ko ang Tinapay sa Kape
Mula sa lolo't lola, hanggang mga tiyo at tiya, at umabot na sa mga apo, nakaugalian na ng pamilyang Pilipino na laging isabay ang tinapay sa kape tuwing almusal man o meryenda sa hapon.
At kung nagtataka kayo kung anong tinapay yan, e pandesal lang yan. Oo. pandesal, hindi nga lang sa tradisyonal nitong hugis, dahil pauso nanaman yan ng isa pa nating kababayan.
At kung nagtataka kayo kung anong tinapay yan, e pandesal lang yan. Oo. pandesal, hindi nga lang sa tradisyonal nitong hugis, dahil pauso nanaman yan ng isa pa nating kababayan.
Pinoy ako dahil halos araw-araw akong sumasakay sa Jipney
At hindi lang basta jeep, kakaiba kasi ang tunay na jeep nang pinoy kaya ito tinawag na jipney, kadalasan ito ay may mga palatandaan na tulad ng mga sumusunod:
- Laging may design sa gilid. Pwedeng 'zodiac signs', mga tanawin sa Pinas, o kaya mga relihiyosong mga imahe o kaya paboritong anime.
- Laging may nakasabit na rosaryo o sampaguita sa 'rearview mirror' at may maliit na relihiyosong karakter sa 'dashboard'. kadalasan pa e 'glow in the dark'
- Nakasulat sa kesame ng jipney ang mga pangalan ng kaanak, at ang katagang 'God Bless our trip'.
- Punong puno ng sticker na ang nakalagay e "Barya lang po, sa umaga" o kaya naman e "Basta driver, sweet lover" at ang matindi ay ang "No Smoking" na mismo ang nagmamaneho pa ang hindi sumusunod.
- Noon, may mga malalaking bakal pa na kabayo sa 'hood' ng mga jipney, padamihan pa nga sila e, pero ngayon bibihira nalang, hindi na siguro uso ang Ferrari-inspired jipney.
Pinoy ako dahil mahilig ako sa Lucky Me Pancit Canton!
Ayun o, kakagutom... almusal man, meryenda o hapunan, pancit canton lagi kong binabanatan! isang Xtra xtra hot at saka isang plastic ng pandelemon, solb!
Pinoy ako dahil boboto ako sa Mayo
Wag nating sayangin ang karapatan nating bumoto, lalo na't maraming pagpipilian ngayong presidente na bawat isa ay talagang may ipagmamalaki. Sa may pera ka ba o sa ma-appeal, sa may puso ka ba o sa may utak, o baka naman ang trip mo ay maka-Diyos...
Kung matagal ka ng nakatago lang sa kweba, nais ko lang ipaalam na "automated" na DAW ang eleksyon natin, kaya panuorin niyo nalang kung paano bumoto sa ibaba ng hindi ka maging inosente sa pagdating ng Mayo.
Kung matagal ka ng nakatago lang sa kweba, nais ko lang ipaalam na "automated" na DAW ang eleksyon natin, kaya panuorin niyo nalang kung paano bumoto sa ibaba ng hindi ka maging inosente sa pagdating ng Mayo.
Subscribe to:
Posts (Atom)